In celebration of the National Language Week, this post will be published exclusively in Filipino.
Karaniwang na nating ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika tuwing unang linggo ng Agosto kada taon. Ito ay bilang pagpapahalaga sa ating pambansang wika na “Filipino”. Sa bawat linggo na ito, hinihimok ang ibat-ibang institusyon ng bansa tulad ng mga paaralan, unibersidad at ang mga sangay ng pamahalaan, na makilahok sa mga gawain na naaayon sa selebrasyon na ito gaya ng mga parada, tanghalan, timpalak at iba pa. [slideshow] Sa pagkakataong ito, ang Children’s Ark Preparatory School ay nagsagawa ng programa na nagtatanghal ng iba’t-ibang gawain tulad ng pagpapakita ng pambansang sayaw at pambansang kasuotan, paligsahan sa paggawa ng slogan ukol sa pambansang wika, patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino at marami pang iba. Ang programa, sa pamumuno ni Bb. Liza Loraine Vargas Perez at Bb. Christiana M. Flores, ay isinagawa noong ika-28 ng Agosto, 2011 sa DAHHA Covered Court at naisakatuparan sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral at sa pakikiisa ng mga magulang. Nabigyan diin ng araw na ito ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating pambansang wikang Filipino.