Ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga pinaka-aabangang kaganapan sa lahat ng mga paaralan, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo kada Agosto ng bawat taong-akademiko. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang para sa taong kasalukuyan ay:
“Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.”
Ayon sa Memorandum #24 s. 2016 ng Department of Education, maaaring gamitin ng mga paaralan ang mga sumusunod na sub-tema sa pag-oorganisa ng kanilang mga gawain:
1) Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan
2) Intektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa
3) Pagsasalin: Susi sa pagtamo at papapalaganap ng mga kaalaman at karunungan
4) Ang Filipino ay Wika ng Saliksik
Sa paniniwala ng maraming tao, ang isang indikasyon ng pagka-intelihente ay ang pagiging mahusay sa wikang Ingles. At ang paggamit sa wikang Filipino ay kadalasang inihahambing naman sa pagiging makata.
Ang temang “Filipino: Wika ng Karunungan” ay direktang tumutugon sa maling persepsyon na ito. May mga sub-tema na tumatalakay ng wikang Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman at pananaliksik.
Ang pagsasalin ay upang mabigyang prayoridad ang pangangailangan na maipaalam ang nilalaman ng mga nasusulat sa wikang Ingles sa wikang Filipino para sa ikauunawa ng ordinarayong Pilipino.
Sa pagdiriwang ng okasyong ito ang Children’s Ark Preparatory School ay nagsagawa ng sari-saring aktibidad, programa at mga pagtatanghal na angkop sa aming itinalagang slogan: “PINOY KA, PINOY AKO, PINOY TAYO.”
Ang mga pagtatanghal ay kinabibilangan ng mga mag-aaral na naghandog ng iba’t-ibang pagpapalabas ng sining at kulturang Pilipino tulad ng awit at sayaw, talumpati, at pagtatanghal ng mga katutubong kasuotan na nagpapakilala ng tunay na pagkakakilanlan nating mga PINOY.
Ang pagtatanghal ay itinuring na isang timpalak at ang mga napiling kalahok sa kani-kaniyang kategorya ay ginawaran ng sertipiko bilang pagpaparangal at pagkilala sa kanilang pagpupunyagi.
https://www.facebook.com/elinev2/videos/vb.100000196797238/1441715979178281/?type=2&theater
Igorot Takik Dance by Prep 2016 (with tliza)